Makibeki Huwag Mashokot Ngayong Pride Month

Daraga, Albay — ‘Makibeki Huwag Mashokot’ ang naging tagline ng 2021 theater play na ‘Sa Pagitan ng mga Titi at Puki’ ng guro at miyembro ng Tanghalang Artikulo at Sining Banwa cultural organization na si Jobert Grey Landeza na kamakailan ay nagkaroon rin ng re-staging nitong 2022.

Ayon kay Landeza, ang Pista ng Teatro 2021 ang nagtulak sa kanya na gumawa ng isang dula na tumatalakay ng tema tungkol sa pagkakakilanlan ng mga tao. 

Nabuo ni Landeza ang mga karakter para sa dula sa pamamagitan ng mga pinagsama-samang opinyon galing sa 100 na sagot mula sa google form survey ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. 

Maliban sa online survey, nagkaroon rin ng pisikal na survey sa Pilar, Sorsogon City. 

Ayon sa panayam ni Landeza sa Bicodotph, tumutulong ang genitals o ang ari ng tao sa pagdetermina ng Sexuality, Orientation, Gender, Identity, at Expression (SOGIE) ng isang tao.

“Tinanong namin sila ng mga pinaka-sensitibong tanong na pwedeng itanong (sa kanila), pinaka-offensive, at misconceptions na na-receive nila dahil sa genitals nila,” saad ni Landeza. 

Ang ‘booking culture’ naman ang isa sa mga mainit na sagot ng mga miyembro ng nasabing community sa survey na siyang mas nagtulak kay Landeza na tapusin at ipakita sa madla ang kaniyang naisulat na dula. 

Napag-alaman din mula sa survey na karamihan sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community ay nakaranas ng pang-aabuso at pananamantala ng kanilang kapamilya at kaibigan sa murang edad.

Ang Anim na Karakter sa Dula:

Caramel – Pagenterang nagnanais na walang ari ang mga tao.

Naniniwala ito na isang malaking basehan ang ari ng tao para makuha ang respeto sa lipunan. 

“Sa character na yun, gusto niyang magkaroon ng genderless sa society. Ibig sabihin ng genderless society ay hindi ka titingnan bilang lalaki ka lang o babae ka lang. Titingnan ka bilang isang tao,” saad ni Landeza. 

Buttermilk – Ang tomboy na nakakulong sa baklang katawan.

Isang transgender woman na ang gusto rin ay babae. 

“Ang main purpose ng statement ni character number 2 is being gay is not equating to like fondness of penises,” saad ni Landeza.

Isa ito sa mga weird cases na natanggap sa online survey ngunit ito ay umiiral sa loob ng LGBTQIA+ community.

Match– Bakla na may masculine expression.

Isinama ni Landeza ang karakter na ito dahil maraming misconceptions na ang bakla ay kailangan feminine ang galaw.

“He can dress whatever he wants to wear, he can act like a man but believes he is a gay and that’s fine and that’s okay, parang ganun yung statement ng third character,” suportang saad nito. 

Vanilla – Pinatawag ng principal dahil sa dress code.

Gustong iparating ng manunulat na ang isang hibla ng damit ay hindi nagpapakita kung ano ka at kung sino ka. 

Ang layunin ng damit ay ang pagprotekta ng katawan ng isang tao.

Blueberr– Karakter na ayaw mag-shave ng pubic hair.

Isang naturalist ang karakter ni Blueberry na siyang naniniwala na malaking threat umano sa ibang bakla ang pag-iba ng kanilang katauhan para lamang tanggapin sila ng lipunan. 

Upuan – Isang simbolo ng booking culture.

Pinakita sa huling parte ng dula ang upuan na walang tao na siyang sumisimbolo ng rason ng LGBTQIA+ community sa pagbobooking nila.

“Yung ideya naman ng pag bobooking ay parte ng LGBT community, they are forced to do it secretly, they are forced to do it in that manner because yun nga kinukulong sila ng society doon,” ani Landeza.

Ang mga pangalan ng mga karakter na ito ay nagmula sa mga sorbetes na siyang sumisimbolo ng pagkakaiba-iba ng gender ng tao. 

Nabanggit din ni Landeza na matapos ang matagumpay na pagpapahayag ng anim na karakter sa dula sa loob ng tatlong taon ay kasalukuyan siyang gumagawa ng sequel na maaring ipalabas sa susunod na taon. I Stephanie De Leon

IMG 0388
IMG 0386
IMG 0385
IMG 0384
IMG 0383
IMG 0382
Share