Pagtigil sa pagsunog ng diesel at gasolina bilang aksyon sa patuloy na pagkasira ng kalikasan

Ang mga sasakyang pangkalsada, riles, himpapawid, at tubig ay nagbubunga ng greenhouse gases tulad ng carbon dioxide, methane, at nitrous oxide mula sa pagsunog ng diesel at gasolina. 

Ayon sa ulat ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON), ang sektor ng transportasyon sa Pilipinas ang may pangalawang pinakamataas na greenhouse gas emissions kung saan halos lahat ng pangunahing suplay ng enerhiya ay nagmumula sa petrolyo. Gayunpaman, mas marami ang pribadong sasakyan sa bansa, at binubuo lamang ang mga jeepney ng halos dalawang porsyento ng kabuuang rehistradong sasakyan.

Nagdudulot ng global warming ang mga greenhouse gases kung kaya’t nagkakaroon ng mas madalas at mas matinding sakuna tulad ng bagyo, baha, at tagtuyot. Ang pagkatunaw ng yelo sa polar regions ay nagiging sanhi ng pagtaas ng antas ng dagat na nagdudulot ng pagbaha sa mga mabababang lugar.

Pinapatakbo ang karamihan ng mga kotse, trak, barko, at eroplano gamit ang fossil fuels. Dahil dito, malaki ang ambag ng sektor ng transportasyon sa pagtaas ng mga greenhouse gases, lalo na ang carbon-dioxide emissions. Ang mga sasakyang panlupa ang may pinakamalaking kontribusyon dito dahil sa pagsunog ng mga produktong petrolyo, gaya ng gasolina, sa mga internal combustion engine.

Ang Shell Company of the Philippine Islands, Ltd, na dating Asiatic Petroleum Company (Philippine Islands), Ltd., ay nagsimulang magnegosyo sa Pilipinas at nag-umpisang mag-angkat at magbenta ng gasolina at kerosene taong 1914. 

Layunin ng kumpanya na maging mas sustainable ang kanilang produkto at makatulong sa kalikasan. Ang Shell Pilipinas ay nagtatakda ng mga estratehikong prayoridad mula 2021 hanggang 2025 habang patuloy nitong isinusulong ang pag-unlad para sa mga Pilipino.

Ilan sa kanilang mga hakbang ay ang pagbawas ng absolute emissions ng 50 porsyento pagsapit ng 2030, kumpara sa mga antas noong 2016. Aalisin ang routine flaring ng natural gas, na nagdudulot ng carbon emissions, mula sa kanilang mga upstream operations pagsapit ng taon 2025. Ibig sabihin, ititigil na ng Shell Pilipinas ang regular na pagsusunog ng natural gas na nagdudulot ng carbon emissions mula sa kanilang mga upstream operations. Ang upstream operations ay tumutukoy sa proseso ng pagkuha at pagproseso ng mga likas na yaman tulad ng langis at gas mula sa ilalim ng lupa.

Ang routine flaring ng natural gas naman ay isang proseso kung saan sinusunog ang sobrang gas na hindi ginagamit o hindi maimbak nang maayos na nagreresulta sa paglabas ng carbon emissions. Kapag itinigil ang routine flaring, mababawasan ang carbon emissions na dulot ng operasyon ng Shell Pilipinas, kaya’t hakbang ito patungo sa mas malinis at mas sustainable na operasyon.

Dagdag pa rito, isa rin sa layunin ng Shell Pilipinas ang panatilihin ang methane emissions intensity na mas mababa sa 0.2 porsyento at makamit ang near-zero methane emissions pagsapit ng 2030.

Noong Marso 2024, nagtakda rin ang Shell Pilipinas ng bagong layunin na bawasan ng 15-20 porsyento ang customer emissions mula sa paggamit ng mga produktong langis pagsapit ng 2030. Sa madaling salita, sa loob ng pitong taon mula 2016 hanggang 2023, nagawa na ng Shell na bawasan ang higit sa 60 porsyento ng emissions na kailangan nilang bawasan upang maabot ang kanilang layunin na kalahati ng emissions pagsapit ng 2030. Ang layuning ito ay bahagi ng kanilang pagsisikap na maging mas eco-friendly at mabawasan ang epekto sa klima.

Ang kabuuang methane emissions intensity ng shell noong 2023 ay 0.05 porsyento para sa mga pasilidad na may marketed gas at 0.001 porsyento para sa mga pasilidad na walang marketed gas.

Bilang isa pang paraan ng pagsukat ng kanilang progreso, nagtakda ang kompanya ng short-, medium- at long-term na mga target para mabawasan ang net carbon intensity–na sumusukat sa emissions— ng mga produktong enerhiya na binebenta.

Ipinapakita nito ang mga pagbabago sa benta ng mga produktong langis at gas, at mga pagbabago sa benta ng mababa at zero-carbon na mga produkto at serbisyo — tulad ng biofuels, hydrogen at renewable electricity.

Ang pagsunog ng fossil fuels ay naglalabas ng sulfur dioxide, nitrogen oxides, at particulate matter, na nagdudulot ng mga problema sa kalusugan tulad ng hika at sakit sa puso. Nagdudulot ang mga pollutants na ito ng acid rain na nakakasira sa kalikasan at mga gusali. Ang polusyon at pagbabago ng klima ay nagdudulot din ng pagkawala ng tirahan ng mga hayop at halaman na nakakasira sa biodiversity. Mahalagang bawasan ang greenhouse gas emissions mula sa transportasyon upang protektahan ang kalikasan at kalusugan.

Together let’s make the world greener! I Alliah Jane Babila

Share