Sunog sa Magallanes, Sorsogon, nasa 3.25M ang danyos, walang nasaktan

Walang nasaktan matapos sumiklab ang isang malaking sunog bandang alas 11:29 ng umaga nitong Linggo, Mayo 28 sa Purok 2, Barangay Binisitahan Sur, Magallanes, Sorsogon.

Sa panayam kay Ponciano B. dela Cruz Jr, OIC-MFM ng Magallanes Fire Station, nagsimula ang sunog sa pag-aari ng pamilya ni Noli Cabug kung saan unang nasunog ang Stock room and poultry house.

Nadamay rin ang isang (1) unit ng ford raptor, isang (1) unit ng Isuzu MUX at dalawang (2) unit ng 10 wheel truck at halos 1000 units naman ng mga styrofoam (ice chase boxes) na pag-aari ni Ginang Irma Patiño.

Aabot umano sa 3,250,000 milyong piso ang danyos ng nangyaring sunog.

Bandang alas onse kwarenta y singko (11:45) ng umaga nang madeklara itong fire under control at bandang ala-una y singko (1:05) naman ng hapon ang pagdeklara ng fire-out.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon sa nasabing sunog. | via Joey Galicio, Ralph Kevin Balaguer

IMG 1315
IMG 1316
IMG 1314

Photo: Fatima Merciales via Wow Media

Share