14 sugatan sa vehicular accident sa Castilla, Sorsogon

Sugatan ang labing apat na tao na lulan ng isang van matapos ang ma-aksidente sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. San Rafael, Castilla, Sorsogon bandang 5:39 kaninang umaga, Abril 24.

Ayon sa inisyal na impormasyon, bumangga ang van sa isang bahay sa nasabing lugar.

“Base sa sakay noon, ang sabi, galing daw po sila sa isang dance competition sa Daet. Pauwi na daw sila going to Sorsogon City,” ani JB Lopez, responder mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Castilla sa panayam ng Bicoldotph.

Samantala, nagtamo naman ng mga gasgas ang labing dalawang menor de edad na sakay nito.

Nagtulong-tulong naman ang mga nagrespondeng awtoridad upang maalis sa pagkakaipit ang driver ng sasakyan at ang katabi nitong pasahero.

Nagtamo ang driver ng sugat sa ulo at pinaghihinalaang dislocation sa kanang balikat habang nagkaroon naman ng sugat sa noo ang katabi nito.

Agad na dinala ng mga awtoridad ang mga biktima sa Castilla District Hospital. I Nicole Frilles

IMG 8436
IMG 8435
IMG 8437
IMG 8439

Photos: BFP Pilar

Share