Lalaki, napatay ng kapitbahay gamit ang palakol sa Gubat, Sorsogon

Dean on the spot ang isang lalaki matapos palakulin ng ng mismong kapitbahay bandang alas 8:00 ng gabi nitong Linggo, Abril 23, 2023 sa Barangay Bagacay, Gubat, Sorsogon.

Sa report ng Gubat Municipal Police, parehong nasa inuman ang suspek at biktima nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Pauwi na sana ang biktima nang sundan ng suspek at doon nangyari ang pamamalakol.

Nagtamo ng tama sa likod, dibdib, mukha at iba pang parte ng katawan ang biktima na tinatayang dahilan kung bakit idineklarang dead-on-the-spot ang biktima. Matapos ang pangyayari ay tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksyon.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawan hot pursuit operation ng Gubat Municipal Police Station para maaresto ang suspek. | via Joey Galicio, Ralph Kevin Balaguer

Share