Isang lider ng New People’s Army (NPA) kasama ang pitong miyembro nito ang nasa kustodya ngayon ng mga militar matapos sumuko sa Milagros, Masbate nitong Linggo, Oktubre 16.
Sa ulat ng 9th Infantry Division ng Philippine Army sa Bicol, Commanding Officer ng NPA mula sa Larangan 2, Komiteng Probinsya 4 ng Bicol Regional Party Commitee (L2,KP4,BRPC) ang sumuko bitbit ang kanyang armas na isang carbine rifle.
Isang carbine rifle naman, tatlong cal. 38 revolvers, isang cal. 357 pistol, isang cal. 45 pistol , isang homemade shotgun at isang KG45 sub-machine gun ang isinuko ng pito pang kasamahan nito.
“Ako po ay labis na nagagalak sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga sumusukong miyembro ng CTG. Binabati ko po ang walong nagbalik loob ngayong araw, hindi kayo nagkamali ng desisyon. Naway magsilbi ulit itong halimbawa sa mga natitira pang armado na naghihirap sa kabundukan. Sa mga Bicolano ang JTF Bicolandia po ay patuloy n nagpapasalamat sa walang sawang pag suporta at pagtulong ninyo upang matuldukan ang insurhensiya sa Bicol”, ani Major General Alex Luna, Commander ng 9ID. l via Karren Canon
Photos by: 9ID