6 sundalo patay, 8 sugatan sa aksidente sa Masbate

Dead on the spot ang anim na sundalo ng 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army nang maaksidente ang sinasakyang military truck sa Brgy. Buenasuerte, Uson, Masbate nitong Linggo ng gabi, Oktubre 16.

Walong kasamahan din ng mga nasawi ang sugatan sa insidente.

Sa inisyal na ulat ng Bicol PNP, galing sa Barangay Baclay, Milagros, Masbate ang military truck papunta sa kanilang detachment sa Brgy. Paguihaman, Uson, Masbate para magdeliver ng supplies nang biglang sumabog ang kaliwang gulong ng kanilang sasakyan na naging dahilan para gumulong at mabangga nito ang nakaparadang cement mixer truck sa tabi ng kalsada.

Wala pang ipinapalabas na opisyal na pahayag ang Philippine Army sa insidente. l via Karren Canon

Photo: NGStarnews

Share