VIPA, inilunsad na

LEGAZPI CITY – Pormal na inilunsad ng Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) Bicol at Provincial Government of Albay (PGA) ang Violence and Injury Prevention Alliance (VIPA) sa Albay Astrodome nitong Huwebes, Hunyo 1.

Ang nasabing paglunsad ay sinimulan sa isang programa na may temang ‘T.H.I.N.K before you walk, drive, ride sa Healthy Pilipinas.’ 

Dinaluhan ang nasabing programa ng mga bisita mula sa iba’t ibang lugar, pati na rin ng Rider Partylist na nagpaalala naman para sa seguridad at kaligtasan ng mga riders. 

“As person and rider naman ako, I follow the rules [and] as much as possible give way to the other riders. We make sure na we tell the riders na sumali to wear proper uniform and ask them na wag mag-over-speeding. So, we wanted to assure our riders na you don’t need to rush; aabot at aabot ka sa destination [mo],” saad ni Atty. Miryam Royce S. Alzaga, Regional Executive Director ng 1-Rider Partylist, sa isang panayam sa Bicoldotph. 

Ayon naman kay Samuel David Banico, coordinator ng nasabing programa, nais nilang pababain ang bilang ng mga namamatay dahil sa aksidente sa kalsada.

“Sa ngayon, ang pinaka-main focus is ‘yung issue sa safety, kasi ‘yun talaga, pataas nang pataas every year ‘yung road crashes. And also, we really want to minimize the deaths if talagang hindi natin makakaya ‘yung zero accidents, at least ma-lessen natin ito, and of course ma-improve natin yung response para talaga ma-ensure natin na magiging less ‘yung mortality,” dagdag pa nito.

Layunin ng regional launch na ito na isulong ang pag-iwas sa aksidente pati na rin ng kamalayan, hindi lamang ng mga riders kundi pati na rin sa kaligtasan ng publiko. | Ree Ann Cawaling, Neffateri Dela Cruz at Christine Angeli Naparato

IMG 1447
IMG 1443
IMG 1450
Share