Most Wanted Person sa Bulan, Sorsogon, Arestado

Nakakulong ngayon ang tinaguriang Rank 1 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Bulan at isa pang 21 anyos na lalaki matapos mahuli ng Bulan Municipal Police kasama ang 2nd Police Mobile Force Company kahapon, Hunyo 1, sa magkahiwalay na operasyon dahilan sa mga kinahaharap na mga kaso.

Ayon sa Bulan Municipal Police Station, unang naaresto ang rank 1 municipal most wanted person sa Barangay Magsaysay, Bulan, Sorsogon bandang alas otso kwarenta y singko (8:45) ng umaga sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Bulan RTC 5 Brance 65 para sa kasong Rape by Carnal Knowledge na walang piyansa; 3 counts of Rape through Sexual Assault na may 120,000 pesos bail bawat kaso at paglabag sa Section (5)a ng Republic Act 9262.

Naaresto naman ang 21 anyos na lalaki bandang alas nueve kwarenta (9:40) ng umaga sa Barangay Zone 5, Bulan, Sorsogon sa bisa ng warrant of arrest galing sa parehong korte. Nahaharap naman ito sa kasong paglabag sa Section 5 (b) ng Article lll ng Republic Act 7610 (other Acts of Sexual Abuse). I via Joey Galicio at Ralph Kevin Balaguer

Share