27 anyos na lalaki patay nang makuryente sa Bulan, Sorsogon

Patay ang isang 27 taong gulang na lalaki matapos makuryente bandang alas kwatro y media (4:30) ng hapon nitong Martes, Mayo 30 sa Sitio Liman, Brgy. San Francisco, Bulan, Sorsogon.

Kinilala ang biktimang si Erwin Batalla, binata, manggagawang helper at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa Bulan Municipal Police, isang barangay official ang lumapit sa kanila upang i-report ang naabutan niyang nakahandusay na biktima.

Lumabas sa initial report ng Bulan PNP na nakuryente ang biktima matapos aksidente nitong mahawakan ang isang live wire sa kulungan ng baboy kung saan si Erwin din ang tagapag-alaga ng mga baboy. I Joey Galicio at Ralph Balaguer

Share