Itinanghal ang Schools Division Office (SDO) – Naga ng Department of Education (DepEd) Bicol na over-all champion sa kakatapos pa lamang na Modified Palarong Bicol 2023 ngayong araw, Abril 28.
Pagkatapos ng matinding labanan sa iba’t ibang larangan ng sports, nagtala ng 78 na golds, 58 na silvers, at 69 bronze ang SDO Naga, sapat para makuha ang tropeyo bilang over-all champion.
Sa kanyang mensahe, binati ni Naga City Mayor Nelson Legacion ang mga nanalong atleta at mga coaches lalong-lalo na ang SDO Naga, na kanyang nasasakupan, sa pagiging kampeyon.
“We express our greetings and best regards to all the coaches and athletes who emerged as champions in this year’s Modified Palaro, especially SDO Naga for an impressive comeback as the overall champion of the competition. Continue to make the Bicol region proud in the national level,” pahayag ni Legacion.
Pinasalamatan naman ni DepEd Bicol Director Gilbert Sadsad ang limang (5) local government units (LGUs) sa pag-host ng Modified Palarong Bicol ngayong taon.
Nagpahayag rin si Sadsad ng mensahe ukol sa sportsmanship na ipinakita ng mga student-athletes.
“I appreciate the sportsmanship showed by our student-athletes during the entire duration of the competition. Winning is not getting ahead of others but getting ahead of yourself. When you accept your weaknesses, and you start doing adjustments and reinforce your weaknesses, I am confident that you will succeed as an athlete,” saad ni Sadsad.
Samantala, pumangalawa ang SDO Camarines Sur sa may pinakamaraming nasungkit na medalya na nagkamit ng 56 na golds, 63 na silvers, at 68 na bronze, samantalang pumangatlo naman ang SDO Camarines Norte sa ranking na may 46 na golds, 32 na silvers and 63 na bronze. I Arvie Bediones