Lalaki, patay matapos makuryente sa Castilla, Sorsogon

Dead on arrival nang dalhin sa ospital ang isang lalaki matapos itong makuryente bandang alas 9:00 ng umaga ngayong Biyernes, Abril 28, sa Barangay Poblacion, Castilla, Sorsogon.

Ayon sa impormasyon, aksidenteng tumama sa live wire ang biktima habang kumukuha umano ng kawayan.

Agad namang nakahingi ng tulong ang mga residente ng lugar sa MDRRMO Castilla at sinubukan pa umano itong i-CPR bago dalhin sa ospital. I via Joey Galicio, Ralph Kevin Balaguer

Share