Pasado alas-6 ng umaga ngayong Lunes, Enero 13, nang matagpuan ng mga residente ang naaagnas na bangkay sa baybayin ng Sitio Palumbanes, Brgy. Toytoy, Caramoran, Catanduanes.
Wala ng ulo at hiwa-hiwalay na ang ilang bahagi ng katawan nito. Nakita sa braso nito ang tattoo na “Bordeos”.
Kinumpirma ng Tabaco City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) na ito ay si Santino Bordeos Buban, 18 anyos, at residente ng Pawa, Tabaco City, Albay.
“After identification at confirmation ng tattoo artist nasi Godofredo Berquilla, pinsan ito ni Santino, siya mismo ang nagtattoo niyan January last year”, ani Gel Molato Jr. ng Tabaco CDRRMO.
Matatandaan na simula Enero 4 ay pinaghahanap ang siyam (9) na mangingisda. Apat (4) rito ay residente ng Balagoñan, Pandan, Catanduanes habang ang lima (5) ay mga residente ng Pawa, Tabaco City, Albay.
Sa ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ang 8 pang mga mangingisda.
Samantala, hinihintay ngayon ang desisyon ng Municipal Health Office ng Caramoran kung maaari pang dalhin sa Albay ang mga labi ni Buban o ililibing na lamang sa bayan ng Caramoran.I Rey Boton
Photo: Babylyn Besmonte