PNP COMELEC Checkpoints sa Bicol, Umarangkada na

Umarangkada na ang COMELEC checkpoint sa Bicol kasabay ng pagbubukas ng election period ngayong Linggo, Enero 12. 

Pinangunahan ng Police Regional Office (PRO) V at ng mga opisyal ng COMELEC Bicol ang simultaneous national ceremonial kick-off sa Barangay Rawis, Legazpi City.

Simula alas-12 ng hatinggabi, inilunsad na ang mga checkpoint sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon. Ayon kay PNP Bicol Regional Director PBGEN Andre Perez Dizon, wala pang naitatalang insidente kaugnay ng eleksyon sa unang araw ng checkpoint.

“So far negative naman, ang naging significant lang dun is naging aware yung ating mga motorista, naging aware yung ating mga kababayan na nagsimula na yung election period”, ani Dizon.

Ipapairal naman ang “plain view doctrine” sa mga checkpoint, kung saan bawal pababain ang mga pasahero sa sasakyan, bawal buksan ang mga trak, at dapat well-lighted ang lugar. Dagdag pa rito, dapat may kasamang COMELEC representative ang bawat checkpoint.

“Meron bago na bagay dyan na pwedeng mag video yung mga kababayan natin sa mga otoridad, pwede rin sila videohan so symbiotic po yun,” ani Dizon.

Patuloy namang binabantayan ang seguridad sa mga lugar na idineklara ng comelec na nasa ilalim ng red category, tulad ng Baleno, Masbate, at Masbate City. Layunin din nitong maiwasan ang anumang banta kagaya ng posibleng atake ng rebeldeng grupo.

“Just like yung sa Samar Areas yung mga CTGs nako-convert sila sa private arm groups, so far, sa ngayon walang active na parts sa area ng Masbate,” dagdag pa ni Dizon.

Bukod sa COMELEC checkpoint, maglulunsad din ang PNP Bicol ng Oplan Sita upang lalong paigtingin ang pagbabantay sa rehiyon.

Samantala, ongoing na ang printing ng mga balota na inaasahang matatapos bago mag-Abril. 

Ayon kay COMELEC Bicol Regional Director Atty. Maria Juana Valeza, sisiguraduhin ang tamang oras ng pag-deploy ng mga automated counting machines (ACM) upang maiwasan ang anumang security concerns.

“All na gagamitin namin ongoing na, hindi naman kase kami, na kailangan na i-deploy kaagad dito sa mga areas namin kase that would be a security concerns especially yung mga ballots and acm. The ballots and acm will be deployed to us I think 2 weeks before electionn,” pahayag ni Valeza.

Patuloy raw na tututukan ng PNP at COMELEC ang mga hakbang para sa ligtas at maayos na halalan sa kabikulan.I Jeric Lopez

IMG 9176
IMG 9180
IMG 9179
Share