Lola Sayong Community Hub, bukas na sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Nagbukas na sa sentro ng lungsod ng Legazpi ang Lola Sayong Community Hub nito lamang Linggo, Setyembre 10, sa 3rd floor ng Ayala Malls Legazpi.

Tampok sa nasabing hub ang mga merchandise, lokal na produkto, at maging ang mga pagkain na inihahandog mismo ng Lola Sayong na mula pa sa Gubat, Sorsogon.

Patok din dito ang kakaibang working space nito dahil pwedeng-pwede mo nang ipagsabay ang pagtatrabaho at pagpipinta dahil may mga art materials dito na maaari mong magamit nang libre.

Sa malawak na working area rito, maaari mo na ring makita ang mga naka-display na artworks at i-experience ang pagiging aesthetic in a nature-loving way.

“Gare ang concept niya kasi [ano pa] pwede kang mag trabaho, pwede kang mag-adal garo resto ang kan working space tapos kun baga opportunity man kan kaparehas me na start up na maka display digdi kan mga craft ninda na local product,” saad ni Noli Mercader, operations head ng Lola Sayong.

(TRANS: Ang concept niya kasi ay pwede kang mag-trabaho at pwede kang mag-aral. Parang resto ang working space tapos kung may opportunity na may kaparehas pa akong start-up na tulad ko. Pwede rin siyang magdisplay dito ng local product nila.)

Ang mga ipipintang artworks ng mga bibisita rito ay siya rin magsisilbing disenyo ng nasabing hub.

Matitikman din dito ang iba’t ibang pagkain na mula mismo sa Lola Sayong tulad ng rice meals nila na Pork Bar Real, Smoked Fish Out of Hell, at Chicken Sheet.

Bukod sa rice meals,nag-ooffer din sila ng kakaiba at natural na shakes na may flavors ng mga fresh na prutas. | Danica Roselyn Lim

photo 6055494405634244608 y
photo 6055494405634244606 y
photo 6055534550693557939 y
photo 6055494405634244604 y
Share