18 anyos na nawawala sa Magallanes, Sorsogon nahanap na

Patay na nang makuha ang 18 anyos na lalaking naiulat na nanawawal bandang alas dos ng hapon nitong Huwebes, Hunyo 15 matapos maligo sa Barangay Lapinig, Magallanes, Sorsogon.

Nakuha ang katawan ng biktima sa Busay busay falls sa Barangay Lapinig, Magallanes, Sorsogon bandang alas 2:15 ngayong hapon ng Biyernes, Hunyo 16, kung saan ito naitalang huling nakita.

Sa ngayon ay nasa isang punerarya na sa Magallanes ang mga labi ng biktima at hinihintay na lang ng mga otoridad ang pamilya upang maiuwi ito sa bayan ng Bulan. | via Joey Galicio

Photo: Shao Barreda

Share