Lalaki putol ang kamay dahil sa pananaga, suspek arestado

Nasa ospital ngayon ang isang lalaki matapos mawalan ito ng kaliwang kamay dahil sa pananaga na nangyari bandang ala-1 ng madaling araw nitong Miyerkules, Hunyo 14, sa Barangay Aroroy, Juban, Sorsogon.

Kinilala ang biktima na si John Kenneth Marbid, nasa tamang edad at residente ng nasabiong lugar habang nakilala naman ang suspek na si Meofito Janoras, 49 taong gulang at residente ng Sitio Talinga, Brgy. Cogon, Juban, Sorsogon.

Sa report ng Juban Municipal Police Station, nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan ang biktima at suspek na siya namang inawat ng mga nakasaksi.

Umabot umano sa puntong nagkagirian ang dalawa hanggang sa kumuha ng itak ang suspek at tinaga ang biktima kung kaya’t naputol ang kaliwang bahagi ng kamay nito.

Matapos ang insidente ay tumakas ang biktima hanggang sa isinuko ito ng Isang concerned citizen kinaumagahan. I Joey Galicio

Photo: Emarie Marbid

Share