Indiscriminate firing, nairehistro sa Sorsogon

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Pilar Municipal Police Station na may kinalaman sa mismong pamamaril sa compound ng LGU Pilar sa Brgy. Calongay, Pilar, Sorsogon bandang 7:45 ng gabi nitong Lunes, Hunyo 12.

Sa isang panayam kay PMAJ Mark Anthony Ferwelo ng nasabing estasyon, nabasag at nasira ang ilan sa mga bintana ng munisipyo ng Pilar, Sorsogon matapos ang nangyaring pamamaril sa tapat mismo ng nasabing establisyemento.

Wala naman umanong natamaan ng bala o nasaktan sa pangyayari.

Samantala, patuloy ang koordinasyon ng mga awtoridad sa lugar partikular sa mga residenteng may-ari ng CCTVs malapit sa lugar upang matukoy ang mga armadong grupo, mga baril, at sasakyang ginamit.

| Joey Galicio

Share