Pamamaril sa isang negosyante sa Pilar, Sorsogon patuloy ang imbestigasyon

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Pilar Municipal Police Station sa kasong pamamaril sa isang negosyante sa Pilar, Sorsogon bandang alas-10 ng gabi nitong Martes, Hunyo 6, sa Maharlika Highway, Brgy. Sta. Fe, Pilar, Sorsogon.

Kinilala ang biktimang si Anna Christine Regalario, 30-taong gulang, may asawa, at isang businesswoman na residente ng Brgy. Calongay, Pilar, Sorsogon.

Sa ulat ng mga awtoridad, sakay ang biktima sa isang motor na pinagmamaneho ng binatang si Arjet Blanquisco, 30-taong gulang, cook na galing sa Donsol papunta sana sa Pilar nang dumating sa nasabing lugar at pagbabarilin ng hindi pa nakilalang suspek at matamaan ng hindi pa matukoy na uri ng baril.

Tinamaan ang biktima sa kaliwang bahagi ng likod nito, tumakas naman ang suspek habang dinala sa pinakamalapit na ospital ang biktima.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng lokal na awtoridad patungkol sa pamamaril. | via Joey Galicio, Ralph Kevin Balaguer

Share