Tatlong lalaki arestado sa Sorsogon City dahil sa droga

Timbog ang tatlong lalaki matapos mahuli sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Sitio San Lorenzo, Bibincahan, Sorsogon City, nitong Huwebes, June 8.

Sa parehong lugar at oras ay nahuli ang magkakasamang 49-taong gulang, 52-taong gulang, at 42-taong gulang na mga pinaghihinalaang nagbebenta ng ipinagbabawal na droga matapos mahuli sa isinagawang buy-bust operation ng joint personnel ng PDEA Sorsogon at PPDEU Sorsogon.

Nahuli ang mga ito matapos umanong pagbentahan ng droga ang PDEA poseur buyer ng isang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman umano ng pinaghihinalaang ilegal na droga sa halagang P500, tumimbang ng halos .04 grams at may street value na P2,750 ang ginamit sa operasyon.

Nakuhanan pa ang mga ito ng anim (6) na piraso ng ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang ilegal na droga na may timbang na 10 grams at nagkakahalaga ng P64,400 at iba pang mga drug paraphernalia.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek at kinahaharap ng mga ito ang mga kasong lumalabag sa Sections 5, 6, 7, 11 and 12 of Art. II ng RA 9165. | via Ralph Kevin Balaguer

Photo credits: PDEA Sorsogon

348376658 1185775882091723 877782396980996304 n
348385684 229175686568606 6648993999628204950 n
350242120 773888191073121 422574271794468004 n
348382228 158341217224349 3121355364825331109 n
Share