Balud, kampeon sa 2023 Isla Rancho Festival of Festivals grand showdown

San Pascual, Masbate – Itinanghal bilang grand champion ang bayan ng Balud, Masbate ngayong araw, Lunes, Mayo 15, sa katatapos na 2023 Isla Rancho Festival of Festivals na ginanap sa San Pascual, Masbate.

Bukod sa P250,000 cash prize na kanilang matatanggap bilang overall champion, nakuha rin ng Balud ang best in musicality matapos nilang ibida ang pinagmamalaking Pangumagat Festival.

Ayon kay Studd Andrei Morales, isang miyembro mula sa Balud, masaya siya na nanalo sila sa kompetisyon sapagkat napakaraming preparasyon ang kanilang pinagdaanan para makamit ang kampeonato.

Ang nasabing kompetisyon ay dinaluhan ng limang kalahok kasama na ang probinsya ng Camarines Sur at ang apat na lalawigan mula sa Masbate katulad ng Balud, San Pascual, San Jacinto at Claveria.

Samantala, nasungkit naman ng San Pascual, Masbate ang 1st runner up para sa kanilang Isla Rancho Festival at best in costume.

Hindi naman nagpahuli ang Camarines Sur na ipinakita ang kanilang Kaogma Festival matapos tanghalin bilang 2nd runner up, best in street dance at best festival queen.

“I am so overwhelmed kasi dinala namin ‘yung Cam. Sur dito kaya dapat i-present namin ang best namin. So, even hindi kami naging grand champion at least [we did] our best,” ani Luzel Ann Baldon sa panayam ng Bicoldotph.

Ang ibang performances naman ay ang Dayaw-Dalan Festival ng San Jacinto at Ani-Halad Festival ng Claveria. | Nicole Frilles, God Frey Las PiƱas

IMG 0856
IMG 0857
IMG 0860
IMG 0858
IMG 0854
IMG 0859
IMG 0861
IMG 0862
IMG 0863
Share