7 anyos batang lalaki, sugatan nang mabangga sa Irosin, Sorsogon

Nasa ospital ngayon at ginagamot ang isang pitong (7) taong gulang na batang lalaki matapos mabangga bandang alas syete ng umaga ngayong Linggo, Mayo 14, sa Barangay Gulang-Gulang, Irosin, Sorsogon.

Ayon sa Irosin Municipal Police Station, galing sa bayan ng Bulan ang isang Mitsubishi Expander na minamaneho ng isang nagngangalang Edwin Mateldo Adorable, 50 anyos na residente ng Dasmariñas, Cavite at papunta ng Sorsogon City nang mabangga nito ang tumatawid na bata.

Agad namang naidala ang biktima sa ospital sa Irosin hanggang sa inilipat ito isa pang ospital sa Sorsogon City.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Irosin Municipal Police ang driver ng sasakyan para sa tamang dokumentasyon at mga susunod na hakbang. I via Joey Galicio, Ralph Kevin Balaguer

Photo: Harlan Balaguer

Share