Suspek sa pananaksak sa Bulan, Sorsogon nahuli na; biktima dalawang buwang buntis

Naaresto na ang suspek sa nangyaring pananaksak nitong Huwebes, Abril 20, 2023 sa Purok 1, Barangay Quezon sa bayan ng Bulan, Sorsogon.

Sa report ng Bulan Municipal Police, tinatayang alas 3:00 ng hapon ng Huwebes nang maaresto ang suspek matapos ang ikinasang hot pursuit operation ng otoridad. 

Matatandaan na natutulog ang 27 anyos na biktima nang pasukin ng suspek sa kwarto at tangkaing halayin subalit nagising ang biktima at nauwi sa pananaksak. Napag-alaman rin na dalawang buwang buntis ang biktima na nagtamo ng anim (6) na saksak sa katawan.

Ayon pa sa report ng Bulan MPS, sinuntok umano ng suspek ang tatlong-gulang na anak ng biktima. Nasa labas umano ang live in partner ng biktima nang mangyari ang insidente dahil bisperas sa kanilang lugar.

Sa ngayon ay hawak na ng mga pulis ang suspek at naghihintay nal ang umano ng mga kasong isasampa rito. | via Joey Galicio, Ralph Kevin Balaguer

Share