Klase sa isang eskwelahan sa Casiguran, Sorsogon, sinuspindi matapos mahimatay ang ilang estudyante

Sinuspinde ang pasok sa Casiguran Technical Vocational School (CTVS) sa Casiguran, Sorsogon alas nuwebe ng umaga ngayong Huwebes, Abril 20 matapos mahimatay ang ilang estudyante.

Ayon sa impormasyon, kumpirmadong may mga estudyanteng dinala sa Casiguran Rural Health Unit matapos mahimatay habang nasa loob ng kanilang mga classroom na hinihinalang dala ng sobrang init ng panahon.

Tulong-tulong naman ang mga ahensiya ng Casiguran tulad ng BFP Casiguran, MDRRMO Casiguran, PNP Casiguran pati na ang mga guro sa CTVS para maidala ang mga estudaynte sa RHU – Casiguran.

Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na pahayag ang pamunuan ng CTVS kung hanggang kailan magpapatuloy ang suspensyon. | via Joey Galicio

IMG 8383
IMG 8380
IMG 8382
IMG 8384

Photos: Eloesa Arellano, Mike Anonuevo

Share