27 anyos na babae sa Bulan, Sorsogon patay matapos saksakin habang natutulog

Idineklarang dead-on-arrival ang isang babae sa Bulan Medicare Hospital matapos itong pagsasaksakin habang natutulog sa kanilang bahay nitong Huwebes, Abril 20, 2023 sa P-1, Brgy. Quezon, Bulan Sorsogon.

Ayon sa mga otoridad, natutulog umano ang biktima nang pasukin ito ng suspek sa kanilang bahay na may dalang kutsilyo. Sinubukan umanong halayin ng suspek ang biktima ngunit pumalag ito kaya’t nangyari ang pananaksak.

Agad na tumakas ang suspek pero nakilala ito na isang binata at magsasaka na residente rin ng parehong lugar.

Patuloy ang hot pursuit at imbestigasyon ng Bulan Municipal Police Station sa nasabing insidente. I via Joey Galicio, Ralph Kevin Balaguer

Share