Mga PDL sa Sorsogon City District Jail, gumawa ng giant Christmas tree

Makulay at kumukuti-kutitap ang nagawang higanteng carnival-themed Christmas tree ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Sorsogon City District Jail.

Sampung mga PDL ang nagtulong tulong upang magawa ang Christmas tree na nasa anim na talampakan ang laki at may taas na 12 feet.

Gawa ang Christmas tree sa mga nabibiling Christmas decorations, recycled cloth, at mga parol na gawa mismo ng mga PDL. 

Ikinatuwa naman ito ng mga tauhan ng Sorsogon City District Jail na sa kabila ng mga pinagdadaanan ng mga PDL ay nais pa nilang magbigay inspirasyon ngayong kapaskuhan. 

“This yuletide season, the giant carnival-themed Christmas tree made by the PDL, [reminds us that] Christmas is the time of love and happiness,” ani J/CINSP Tedler Samonte, concurrent Provincial Jail Administrator ng Sorsogon at Officer-In-Charge ng SCDJ. I via Jona Bagayawa

IMG 3864

Photo: SCDJ

Share