Coastal clean-up at mangrove tree planting, isinagawa sa Pilar, Sorsogon Ngayong World Toilet Day

Nagsagawa ng coastal clean-up drive at mangrove tree planting ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at organisasyon sa Brgy. Sapa, Pilar, Sorsogon ngayong araw, Nobyembre 11 bilang pagdiriwang sa World Toilet Day.

Kabilang sa mga lumahok na ahensiya ng gobyerno at organisasyon sa nasabing aktibidad ay ang Department of Education, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, Provincial DOH Office of Sorsogon, LGU Pilar, Barangay Health Workers, Tau Gamma Phi, 4Ps, at IPs. Dumalo rin ang Health Promotion Bureau ng DOH Central Office sa nasabing aktibidad.

Nagkaroon rin ng zumba exercise sa may baybayin at programa sa Pilar, Gymnasium. I via Jona Bagayawa

IMG 3822
IMG 3826
IMG 3824

Photos: DOH Bicol

Share