Higit Php27K halaga ng shabu, nakumpiska sa Naga City

Nagkakahalaga ng Php27,200 ang apat na gramo ng shabu na nakumpiska sa isang buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Peñafrancia, Naga City, kagabi, Nobyembre 7. 

Sa pinagsamang pwersa ng Naga CPO at PDEA ROV, arestado ang isang 50 taong gulang na lalaki na kinilalang si Julian Dechoso, Jr. residente ng nasabing barangay. 

Nakumpiska mula sa suspek ang limang sachet ng shabu at isang Php500 na buy-bust money. 

Nasa kustodiya na ng Naga CPO ang suspek at ang mga ebidensiyang nakuha mula sa kanya. I via Jona Bagayawa

Share