Nasa Php200 ang pinakamurang bulaklak na mabibili sa may Legazpi City Public Market ngayong araw.
Ayon kay Mike Jimenez, flower vendor, masigla at maganda ang bentahan ng mga bulaklak ngayong taon. Ang presyo ay depende sa design at bulaklak na nais ng mga mamimili.
Aniya, hindi man maubos ang kanilang paninda ay positibo pa rin silang mababawi ang kanilang puhunan. Ang mga hindi naman mabibiling bulaklak ay kanila nang itatapon.
Ginger plant o shampoo plant ang isa sa mabentang bulaklak na nagkakahalaga ng Php200 hanggang Php350. Matagal itong malanta dahil sa taglay nitong tubig.
Ayon sa mga flower vendors, ito ay galing sa kanilang sariling taniman kaya’t masaya sila na mapagkakitaan ito. l via PIA Albay
![Benta ng bulaklak sa Legazpi City ngayong undas, masigla ayon sa mga flower vendors 1 IMG 4709](https://bicoldotph.com/wp-content/uploads/2022/11/IMG_4709.jpg)
![Benta ng bulaklak sa Legazpi City ngayong undas, masigla ayon sa mga flower vendors 2 IMG 4708](https://bicoldotph.com/wp-content/uploads/2022/11/IMG_4708.jpg)
![Benta ng bulaklak sa Legazpi City ngayong undas, masigla ayon sa mga flower vendors 3 IMG 4710](https://bicoldotph.com/wp-content/uploads/2022/11/IMG_4710.jpg)
![Benta ng bulaklak sa Legazpi City ngayong undas, masigla ayon sa mga flower vendors 4 IMG 4711](https://bicoldotph.com/wp-content/uploads/2022/11/IMG_4711-768x1024.jpg)
![Benta ng bulaklak sa Legazpi City ngayong undas, masigla ayon sa mga flower vendors 5 IMG 4712 1](https://bicoldotph.com/wp-content/uploads/2022/11/IMG_4712-1-1024x767.jpg)
Photos: PIA Albay