Solar system-inspired classroom

Para mas mahikayat ang kanyang mga mag-aaral ay ginawa ng gurong si Jomar Lalagunan na animo’y planetarium ang kanyang silid-aralan.

Nagtuturo sa grade 5 at grade 6 si Lalagunan sa Nicolas Danao Elementary School, sa Batuhan, Masbate City.

“Sa pagpasok ko dito taong 2014, naisip ko ang solar system, kahit saan man sila tumingin, pumunta, andyan pa rin sa isip nila ang solar system, ang iba’t-ibang klase ng planeta. Yung solar system ng aking classroom, very conducive to learning sa mga bata, nakikilala din nila ang structure ng solar system kaya ito ang naisip ko na gawin sa classroom”, ani Lalagunan.

Malaki raw ang naitulong ng kanyang disenyo sa pag-aaral ng mga bata. Naikukwento rin ng kanyang mga mag-aaral sa mga kaibigan ang solar system kaya’t natutuwa siya na may natutunan ang kanyang mga estudyante.

Dahil nasa upland barangay ang eskwelahan ay ginawa niyang luntian at forest-themed ang kanyang silid-aralan para ibagay sa lugar. “Makikita dito ang monstera, mga dahon kasi mas lalong nasisiyahan pumasok ang mga mag-aaral sa silid, ika nga very conducive to learning sa kanila at maaliwalas tingnan”, ani Lalagunan.

Maging ang reading corner ay solar system-inspired rin. Hangad niya lamang raw na mag-aral ng mabuti ang kanyang mga estudyante, “Sana suklian nila ng magandang pag aaral yung mga sakripisyo sa aking silid-aralan para matupad nila ang kanilang mga pangarap sa buhay”.

IMG 3757 1
IMG 3758
IMG 3765
IMG 3766
IMG 3763
IMG 3768
IMG 3772
IMG 3769
IMG 3761
IMG 3773
IMG 3775
IMG 3776

Photos: Jonathan Morano

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *