Engkwentro ng tropa ng pamahalaan, NPA naitala sa Sorsogon

Nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at New People’s Army (NPA) bandang alas-7 ng umaga nitong Linggo, Hunyo 11, sa bahagi ng Brgy. Marinab, Bulan, Sorsogon.

Sa inilabas na impormasyon ng 9th Infantry “Spears” Division ng Philippine Army, ipinaabot sa mga awtoridad ng mga residente sa lugar na mayroong umaaligid na maka-kaliwang pwersa sa kanilang lugar.

Bilang aksyon, tumungo ang mga awtoridad sa lugar at dito na nagkasagupa sa pagitan ng 22nd Infantry “Valor” Battalion ang nasa humigit-kumulang sampung (10) rebelde.

Tumagal ng halos 15-minuto ang palitan ng putok bago tumakas umano ang mga rebelde.

Wala naman umanong nasaktan sa mga kasamahan ng pamahalaan.

Samantala, inaalam pa kung may nasugatan at nalagas sa mga tumakas na rebelde.

Nakuha sa lugar ng engkwentro ang dalawang M16 rifle, mga magazine at iba pang mga personal na gamit.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad patungkol sa insidente. | Joey Galicio

Share