LGU Legazpi, recipient ng $22M early warning system project ng GCF

LEGAZPI CITY – Kabilang ang Legazpi City sa apat na local government unit (LGU) sa bansa na tatanggap para sa isang research and development program ng Green Climate Fund (GWF) na Multi-hazard Impact-based Forecasting and Early Warning System (MH-IBF-EWS) na kung saan may pondo itong 22 milyong dolyar para sa kabuuang proyekto.

Ayon kay Miladee Azur, Department Head ng Legazpi City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), ang nasabing proyekto ay naglalayong isaayos ang early warning system ng Pilipinas.

“It’s literally saying na ang [forecast alerts natin], especially given by Pagasa (Philippine atmospheric, geophysical and astronomical services administration) does not tell na kung what the hazard is [but also what it can do],” ani Azur sa panayam ng Bicoldotph.

Dagdag pa niya, ang proyekto ay magbibigay ng mga mahahalagang impormasyon tulad ng mga epekto ng bagyo sa mga exposed elements sa isang lugar na tatamaan nito.

“Naka-describe duman kung ano ang mangyayari sa mga building, kung ano ang mangyayari sa mga tanom [at] kung ano ang impact kaini sa mga tawo…ano ang magiging impact sa other socio-economic characteristics of the community,” saad ni Azur.

Ani Azur, nilalayon nito na resolbahan ang problema sa kakulangan ng impormasyong ibinibigay ng PAGASA sa komunidad.

“The premise of the project is that the Philippines is located at the cooking point of typhoons [kaya] exposed siya. Due to its location, exposed siya sa earthquakes and everything,” ani Azur.

Samantala, kasalukuyan nang sinisimulan ang MH-IBF-EWS project at magtatagal ito hanggang limang taon. Nagkaroon na rin ng inception workshop para dito.

Ang pondo ng nasabing proyekto ay aprubado na ng Green Climate Fund na kung saan kabilang din ang iba pang LGUs katulad ng Tuguegarao City, Palo municipality sa Leyte at New Bataan sa Davao de Oro.

Ang memorandum of agreement (MOA) signing at launching ng nasabing proyekto ay ginanap sa Crowne Plaza Manila Galleria Hotel, Miyerkules, Abril 26 na dinaluhan ng iba’t ibang pinuno ng mga ahensya ng gobyerno at ng mga nasabing LGUs, kabilang na si Legazpi City Mayor Geralde Rosal at Azur. I Nicole Frilles

IMG 8681
IMG 8679
IMG 8680
IMG 8683
IMG 8682
Share