Candy Factory-themed Christmas Village, pinailawan sa Camalig, Albay

Makulay at puno ng indakan at musika ang pagbubukas ng Christmas Village sa Sumlang Lake sa Camalig Albay.

Kasabay ng pagpapailaw ay ang fireworks display.

Candy Factory ang tema ng Christmas Village na kinagiliwan lalo na ng mga chikiting.

Nakisaya rin sa pagdiriwang si Santa Cluas kasama ang kanyang cute na cute na elf na inaabangan ng lahat tuwing magpapasko.

IMG 3973
IMG 3971
IMG 3975

Isa si Emman Camu sa mga dumalo sa Christmas lighting. Aniya, sulit na sulit ang 100 pesos na entrance dahil lahat ng anggulo ay instagrammable.

“As a traveler na content creator din, maganda talaga na merong mga pasyalan, example itong Sumlang Lake na Christmas themed ngayon and ang entrance niya is only 100 pesos. Very good na siya for kids and sa mga turista natin.” ani Emman.

Isa rin sa atraksyon at pinilahan ng mga nais magpakuha ng litrato ang candy house kung saan ang hagdanan nito ay tila mga tsokolate na napapalibutan ng candy canes at cookies. Pagpasok naman ay tila puno ito ng niyebe o snow. Ang pamilya ni Dimple Mgadaong lalo na ng kanyang anak na dalawang taong gulang ay na-enjoy nang husto ang pamamasyal.

Saad ni Dimple, “Maganda siya, bago sa paningin gaya namin na namasyal din. Maganda siya natuwa nga yong bata, ayaw na nga po umuwi.”

IMG 3976

Ayon kay Barangay Captain Felipe Napa Jr., halos anim na buwan ang kanilang naging paghahanda sa pagbuo ng Christmas Village na layon na makapagbigay ng dagdag kabuhayan sa kanilang mga residente para makabawi sa mahigit dalawang taong pandemya.

“Actually, this is one way of really showing that we really need to get back to the economic activity of tourism. Tourism is badly hit by the pandemic, we really need to come up with that to provide livelihood, to provide more jobs to the community.” ani Napa Jr.

Nakisaya rin sa okasyon ang Bicolana singer songwriter na si Diwata na nagpasikat ng mga kantang Santigwar at Padaba Taka.

P100 pesos ang entrance fee sa Sumlang Lake Christmas Village na bukas gabi-gabi.

May mga food stalls at restaurant rin para sa mga namamasyal na nais kumain. | Mitch Villanueva

IMG 3969
IMG 3970
1 3
IMG 3974
IMG 3981
IMG 3977
IMG 3982
IMG 3979
Share