Customize Consent Preferences

We use cookies to help you navigate efficiently and perform certain functions. You will find detailed information about all cookies under each consent category below.

The cookies that are categorized as "Necessary" are stored on your browser as they are essential for enabling the basic functionalities of the site. ... 

Always Active

Necessary cookies are required to enable the basic features of this site, such as providing secure log-in or adjusting your consent preferences. These cookies do not store any personally identifiable data.

No cookies to display.

Functional cookies help perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collecting feedback, and other third-party features.

No cookies to display.

Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics such as the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.

No cookies to display.

Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.

No cookies to display.

Advertisement cookies are used to provide visitors with customized advertisements based on the pages you visited previously and to analyze the effectiveness of the ad campaigns.

No cookies to display.

INC National Rally for Peace sa Bicol, Idinaos sa Kabila ng Malakas na Ulan

Hindi alintana ng libu-libong miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Bicol Region ang malakas na ulan at maputik na daan nang idaos nila ang National Rally for Peace sa Sawangan Park, Legazpi City, Albay, ngayong Lunes, Enero 13.

Dala ang mga placard na may mensaheng tulad ng “Pagkakaisa, hindi pamumulitika,” “Serbisyo, huwag sariling benepisyo,” at “Pagkakasundo, hindi pagkakagulo,” ipinakita ng mga miyembro ang anila’y pagpapahayag ng suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag nang ituloy ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay PCpt Hermel Napili, Operations Officer ng Legazpi City Police Station (CPS), tinatayang mahigit 30,000 katao mula sa iba’t ibang probinsya sa rehiyon ang dumalo sa rally.

Sa kabila ng mabigat na trapiko sa Sawangan Park, nanatiling mapayapa ang pagtitipon at wala pang naitatalang insidente.

“Peaceful pa man yung kanilang okasyon and maulan lang, lumakas ang ulan, panaka-naka, yung ano natin dito pagsisikip mg trapiko dito sa area na ito but yung Rizal Street, clear naman tayo dun sa labas but yung Sawangan lang talaga yung mesyo masikip ang kalsada,” ani Napili.

Upang maiwasan ang mas matinding pagsikip, naglaan ang mga otoridad ng karagdagang parking na may kapasidad pang 150 sasakyan malapit sa port ng Kapuntukan Grill.

“Meron pa po tayong available parking dun sa ginagawamg port dito po sa harap ng Kapuntukan grill papasok po dun, kasya pa po dun yjng 150 vehicles,” pahayag ni PLTCOL Ray Anthony Villanueva, acting chief of police ng Legazpi CPS.

Samantala, bago pa man ang rally, nagpatupad na ng class suspension sa Albay at Masbate bilang paghahanda sa posibleng kakulangan sa transportasyon dulot ng malakihang pagtitipon.

Inaasahang magtatagal ang naturang rally mula hapon hanggang gabi.

Sinubukan namang kuhanin ng BicoldotPH ang pahayag ng ilang miyembro ng INC, subalit tumanggi silang magbigay ng komento.I Jeric Lopez

IMG 9202
IMG 9206
IMG 9205
Share