Engagement learning session, handog ng Siklab Pilipinas

TABACO CITY – Inilatag ng grupong Siklab Pilipinas, isang non-profit organization kasama ang ABC+ Advancing Basic Education in the Philippines ang isang engagement learning session ngayong Martes, Setyembre 12, sa Casa Ver Amore Bombon, Tabaco City.

Ang nasabing proyekto ay naglalayong makapag-bigay ng tulong sa mga estudyanteng nasa mababang baitang ng elementarya at para na rin sa mga magulang, libreng seminar, at training para sa pag-agapay sa kanilang mga anak.

May tinatawag na Neighborhood Parents Support Group (NPSG) ang naturang proyekto kung saan binubuo ito ng mga magulang mula sa ibat ibang barangay ng lungsod ng Tabaco, gaya ng Brgy. Oras, Panal, at Cormidal.

Sa isang panayam ng Bicoldotph kay Saje Miguel Molato, CEO at founder ng ABC+ Siklab Pilipinas, nagsimula sila bilang club sa loob ng Ateneo de Manila University noong siya ay second year college pa lamang.

“Siklab started as way initially to bring more Filipinos to different high-level conferences around the world, but we immediately realized na the bigger challenge is how do you find a ways to engage local stakeholders especially yung mga nasa laylayan,” dagdag ni Molato.

Ayon naman kay Fatima Buen, Schools Division Superintendent ng Tabaco City, malaking tulong umano ang proyekto sa DepEd dahil magkaparehas ang layunin nila pagdating sa edukasyon.

“Naniniwala ako sa shared leadership and shared governance, let’s strengthen our partnership with our stakeholders especially ABC+ for 2 years they’re supporting DepEd for the sake of learners,” saad ni Buen.

Dinaluhan din ang nasabing aktibidad ni Tabaco Vice Mayor Nestor San Pablo at ng iba’t-ibang LGUs.

Samantala, magkakaroon pa ng mga susunod na programa ang naturang organisasyon – gaya ng Masaya ang Magbasa Program sa darating na Sabado, September 16, sa Tabaco Northwest Central School (TNCS). | Neffateri Dela Cruz

photo 6053136739171678135 y
photo 6053242605820557937 y
photo 6053242605820557936 y
photo 6053242605820557933 y
Share