Interesado ka rin ba sa mga bulaklak at sa accessories at the same time? Pwes kailangan mong malaman na may Botanik Art + Nature na!
Ang Botanik Art + Nature ay isang business na sinimulan ni Ian Ron Bello na gumagamit ng mga natural na bulaklak sa kanilang mga produktong accessories. Ito ay kaniyang naisakatuparan sa tulong ng isa pa nitong kaibigan na mahilig naman sa mga artsy crafts.
“Since I was a kid, living in an island (Rapu-Rapu) I am really interested with plants. At first it was a challenge for us to choose a name, because we wanted it to capture the nature plus arts and culture branding we have in mind. We tried different names, and ended up choosing Botanik Art + Nature,” saad ni Bello sa isang panayam sa Bicoldotph.
Ayon pa kay Bello, natural na bulaklak ang gamit nila sa kanilang mga ginagawang accessories. Ang mga ito ay naaayon din depende sa kanilang season at kung anumang bulaklak man ang in-season, iyon ang gagamitin nila para sa kanilang inilalabas na collection.
“As much as possible, maliban sa mga bulaklak na pamilyar saatin, nais din naming itampok ang mga sarili nating halaman, ang native at endemic floras ng Pilipinas,” dagdag pa nito.
Binigyan niya rin ng diin ang nararapat na matanggap na rekognisasyon ng mga halamang native at endemic at inaasahan din nilang sa paraang kanilang ginagawa ay mapapalawig ang kaalaman at interes ng mga Pilipino na maprotektahan ang mga yamang natural.
“Nakikipagtulungan din kami sa mga manghahabi ng banig sa Rapu-Rapu para sa aming packaging na mga tampipi. Sa mga susunod pang proyekto, nais pa naming i-explore and potensyal ng ating mga komunidad para inclusive growth,” kwento nito.
Sa ngayon, naglabas na sila ng paunang koleksyon na tinawag nilang Diwata collection. Tampok ang kanilang produkto sa kanilang Instagram account na @botanik_art.nature.
Ang business na ito ay hindi lang basta-basta negosyo para kay Bello. Aniya, ito ay itinayo nila sa prinsipyo ng pakikipagkapwa, paglikha ng sining na nakabatay sa kalikasan, at pagkukwento ng sariling kultura.
“This is not just a business but an advocacy to elevate the discussion on our biodiversity. Sa ganitong paraan namin nais mag-contribute sa efforts ng bawat isa na pangalagaan ang ating kalikasan habang ipinapamalas ang aming sining,” ani Bello. | Danica Roselyn Lim
Photo courtesy: Ian Ron Bello