BICOLANO, WAGI SA ISANG ASEAN COMPETITION

IRIGA CITY — Naiuwi ng 20-anyos na estudyante ng Camarines Sur Polytechnic Colleges (CSPC) na si Christian Lazarus Asanza tubong Libon, Albay ang “Medallion of Excellence for Electrical Installations” sa 13th Worldskills ASEAN Competition na ginanap sa Suntec Singapore Convention & Exhibition Centre nito lamang Hulyo 23-25.

Sa naturang kompetisyon ay nakakuha si Christian ng 704 puntos na naging hudyat upang kaniyang makamit ang nasabing parangal.

Aniya hindi niya inaasahan na makatanggap ng anumang parangal ngunit nang i-anunsyo sa seremonya ang resulta at siya’y ginawaran ng medalya para sa kaniyang kahusayan sa nasabing patimpalak ay hindi siya makapaniwala.

“I didn’t finish the test package that was given to me, but I had completed the manual functions for the lighting and outlet. I also didn’t perform the device program due to a lack of time, and it was energizing my circuit for the final second of the time frame, [but] thankfully no short circuit occurred. That is why I was really surprised by what happened during the awarding,” saad nito.

Matatandaang nakakuha rin si Christian ng gintong medalya sa Provincial, Regional at National Skills Competitions, ngunit ito ang una at huling pagkakataon ng kaniyang pagkapanalo ng medalya sa isang ASEAN skills competition dahil sa ‘age limit’ na tinukoy sa patakaran ng patimpalak.

Sa huli ay pinasalamatan niya ang kaniyang expert na si Engr. Eddie Cabaltera na walang sawang gumabay at nagtiyaga sa kaniya sa kabila ng mga pagsubok na kaniyang nararanasan.

“After the national skills competition in Taguig, we prepared for this event over a lengthy period of time. For almost a month, we received invitational training from Korea. I am grateful to Korea for the opportunity given that I learned a lot about systematic working methods and gained firsthand experience with an assortment of tools, equipment, devices, consumables, and other items,” dagdag pa ni Christian.

Ipinahayag niya rin ang pagpapahalaga sa kaniyang mga kasamahan na siyang nagbigay saya sa kaniya matapos ang mga nakakapagod na araw ng pagsasanay at siyang nagpaalala sa kaniya na hindi siya lumalaban sa labang ito nang mag-isa.

Sa kasalukuyan, si Christian ay kumukuha ng Bachelor of Science in Electrical Engineering sa CSPC at muling sasalang sa matinding pagsasanay para sa paparating na Asian Skills Competition na magaganap sa Abu Dhabi ngayong taon.

“But despite how challenging training is, I must continue to pay attention to it, remember to enjoy the process, and continue to pray to the god who gives us the strength needed to succeed,” pagtatapos nito. | Christine Angeli Naparato

Photo courtesy: Christian Lazarus Asanza

viber image 2023 08 03 07 52 43 731 1
viber image 2023 08 03 07 52 51 187
viber image 2023 08 03 07 52 53 675
Share