“Journeying with Mary in our Search for God in this Broken World”

NAGA CITY – Kamakailan ay inilabas ng Archdiocese of Caceres ang tema para sa nalalapit na selebrasyon ng Peñafrancia Fiesta ngayong 2023.

“Journeying with Mary in our Search for God in this Broken world” (“Naglalakbay kaiba ni Maria sa pagmidbid sa presencia kan Diós sa makasâlan na kinâban.”), ang tema ngayong taon para sa taunang Pista ng Mahal na Ina ng Peñafrancia. 

Sa isang panayam ng Bicoldotph kay Rev. Fr. Juan Pablo Carpio, Vice Rector ng Basilica Minore of Our Lady of Peñafrancia, nabanggit nito na ang mga temang inilalabas ng simbahan taon-taon ay naka-angkla at nagsisilbing kasagutan sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan.

“The theme is always related—is actually an answer to our current situation. Whenever we formulate a theme, we make sure that this theme should be relevant, and how can this be relevant? If it affects or even helps our daily lives—yung buhay natin ngayon, hindi yung kahapon, hindi yung bukas—yung ngayon, so that we can really find relevance,” pahayag ni Fr. Carpio. 

Dagdag pa niya, para sa taong ito, isinaalang-alang ng simbahan sa pagdedesisyon ng angkop na tema para sa kapistahan ng Nuestra Señora de Peñafrancia sa Setyembre, ang Synod on Synodality na gaganapin sa Roma sa buwan ng Oktubre, 

“Synodality means journeying—walking with, kaya doon sa theme natin talagang mayroong journey, and of course, ang ating mahal na Ina kasi fiesta niya—journeying with Mary,” saad nito.

Binigyang diin din ni Fr. Carpio sa paggawa ng tema ngayon kung paanong sa kabila ng samu’t saring pagsubok na bumabalot sa mundo, narito ang Mahal na Ina, kasama at umaagapay sa pagkilala sa presensya ng Panginoon.

“Ang daming kaguluhan, so how can we really feel the presence of God in our world today? Ito yung binigyan natin ng diin sa paggawa ng theme natin ngayon ng Peñafrancia celebration. Definitely, we have to feel God’s presence, we search for God and our Blessed Mother is truly there to guide us—is here with us to guide us in our search for God. Amidst this brokenness that we find in the world, we know God is with us. He truly finds ways to be with us and with our Blessed Mother, with her help we can achieve this,” dagdag pa nito. 

Inaasahan ni Fr. Carpio na magiging makabuluhan at makahulugan para sa lahat ng deboto ang pagdaraos ng Peñafrancia Fiesta 2023. | Aubrey Barrameda

IMG 0601
Share