Bangkay ng babae, nakita sa karagatan ng Barcelona, Sorsogon

Tabaco, Albay — Isang bangkay ng babae ang natagpuan na palutang-lutang sa karagatan na sakop ng Brgy. Mapapac, Barcelona, Sorsogon bandang alas-2 ng umaga Sabado, Hunyo 3.

Sa panayam kay PCPT Abelardo Balbedina Jr. ng Barcelona Municipal Police Station (MPS), nagkaroon umano ng outing ang pamilya ng biktima noong Biyernes, Hunyo 2. Sa hindi malamang dahilan, hindi umano namalayan na umalis ang biktima mula sa mga kasamahan nito at nakita na lamang ng isang residente na palutang-lutang ang katawan nito sa nasabing barangay.

Agad na nagresponde ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang makuha ang katawan ng biktima.

Positibong kinilala ng mga kamag-anak nito dahilan sa suot na dark brown at green t-shirt at pulang boxer shorts. Kinumpirma ng kapitan ng Brgy. Cagang na si Dionisio Floresca na residente ang biktima ng kanilang lugar kung saan nakarating sa kaniya ang impormasyong nawawala ito bandang alas-9 ng gabi noong Biyernes. I Nicole Frilles, Joey Galicio

Share