Isang bahay sa Matnog, nasunog

LEGAZPI CITY – Naiwang niluto ang itinuturing na sanhi ng pagkatupok ng isang bahay sa Barangay Tablac, Matnog, Sorsogon bandang alas-10 ng umaga Biyernes, Hunyo 2.

Sa isang panayam kay FO1 Nomar Ariate ng Bureau of Fire Protection (BFP) Matnog, sinabi nitong nagsimula ang sunog sa isang bahay na pagmamay-ari ni Jomar Guevera, 36 anyos at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng BFP Matnog, gawa sa light materials ang bahay at sumiklab ang sunog nang mapabayaan ng pinsan ni Guevera ang kaniyang niluluto.

Naapula na ang apoy nang dumating ang mga awtoridad matapos magtulong-tulong ang mga residente ng nasambit na lugar. Samantala, aabot sa P4,000 ang halaga ng pinsala at walang naiulat na nasaktan o nadamay sa nasabing insidente. | Nicole Frilles, Joey Galicio

Photo courtesy: Darrel Buena

343817588 194431643128832 8020277426835534837 n
350121617 3526868440918544 954571563849180872 n
Share