Pulis, patay nang bumangga ang minamanehong motor sa kalabaw

Dead on arrival sa ospital ang 37 taong gulang na pulis matapos itong makabangga sa isang kalabaw sa Barangay Del Rosario, Pilar, Sorsogon bandang alas kwatro ng hapon, Mayo 19.

Kinilala ang biktima na si PSSg David de la Rosa, residente ng Burabod, Castilla, Sorsogon at nakadetalye sa Castilla Municipal Police Station.

Sa panayam kay PSSg Angelo Ariola ng Pilar MPS, pabalik na raw ang biktima sa Castilla, Sorsogon sakay ng kaniyang minamanehong motor nang makabangga ito sa kalabaw na nasa tabi ng kalsada.

Pagmamay-ari ng isang Joven Belen, residente ng nasabing lugar ang kalabaw na kinumpirma ni Kagawad Juan Lubiano ng Barangay Del Rosario, Pilar, Sorsogon.

Sa lakas ng pagkakabanga ng biktima sa kalabaw, nagtamo ito ng pinsala sa ibat-ibang bahagi ng katawan. Sinubukan pa sanang dalhin ng MDRRMO Castilla at BFP Pilar sa Castilla District Hospital ang biktima pero binawian pa rin ito ng buhay.

Ligtas naman ang kalabaw na nagtamo rin ng mga sugat, ayon sa may-ari nito. I via Joey Galicio, Ralph Kevin Balaguer

Photo: BFP Pilar

Share