1 pribadong sasakyan, nahulog sa bangin sa Pilar, Sorsogon

Nagtamo ng mga sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang driver at ang mga iba pang mga pasahero ng isang pribadong sasakayan matapos itong mahulog sa bangin sa gilid ng kalsada sa Purok 5 Sitio Mayan Barangay Poctol, Pilar, Sorsogonvbandang alas 5:00 kaninang umaga, Mayo 19.

Kinilala ang sakay ng sasakyan na sina Analuna Betonio, 29 taong gulang; Elena Bitonio, 73 taong gulang; Nila Codera, 72 taong gulang at dalawa (2) pang menor de edad na nag-eedad 3 at 1 na pawang mga residente ng Cataingan, Masbate.

Sa isang panayam, sinabi ni PSSg Angelo Ariola ng Pilar MPS na galing Bulacan angnahulog na sasakyan at minamaneho ni Jonathan Codera, 45 taong gulang at residente ng Talatan Riverside, Quezon City. Papunta raw ng Masbate ang sasakyan nang makatulog ang drayber kung kaya’t nahulog ang sasakyan sa tabi ng kalsada na isang bangin.

Nagtulong-tulong naman ang mga residente ng lugar na maiangat ang sasakyan sa mataas na bahagi ng kalsada hanggang sa dumating ang rescuer at nabigyan ng atensyon medikal ang mga sugatan. | via Joey Galicio, Ralph Kevin Balaguer

Share