Tubong Manito, Albay ang magtatapos na kadete na si First Class Edmundo Dagta Logronio at siyang class salutatorian ng Philippine Military Academy (PMA) Class 2023 MADASIGON (Mandirigmang may Dangal, Simbolo ng Galing at Pagbangon).
“Every study period I always ensure to give my mind time to rest. I am not pushing myself to the extent na I will be mentally drained,” saad ni Logronio sa isang panayam.
Kanya ring ibinahagi ang iba’t ibang bagay na naging sekreto niya sa pag-aaral at naging dahilan upang maabot niya ang karangalan na ito sa kanyang pagtatapos.
“Training and education in the academy is quite different in other universities; here we have a lot of things to balance while performing well in our academics. For some they would think that I am putting all of myself studying, personally I do not, I just maximize the learning while inside the classroom.” Kwento ni Logronio.
Bagamat malayo at ibang-iba umano ang istilo ng kanilang pagsasanay at akademiko, nanatiling buo at matatag ang kanyang loob na tapusin ang kanyang kurso, kahit may mga pagkakataon na pinanghihinaan siya ng loob.
“Hindi mawawala ang moment na panghihinaan ka ng loob, pero hindi dapat dumating sa punto na kailangan na mag-quit. The moment na pumasok ako dito I have embraced God’s given new life to me,” saad niya.
Pag-amin niya, hindi niya plinano na manguna sa kanilang klase. Resulta lamang umano ito ng pagsisikap, disipina at tiyaga na kanyang ginugol sa loob ng apat na taon.
“Noong nakapasok ako sa PMA yung fear palaging nandyan, pero I pray to God na makayanan ko lahat ng challenges, kasi makapasok lang sa PMA is a gift and to be on top is a bonus,” dagdag niya.
Bukod sa pagtamo ng ikalawang may pinakamataas na karangalan, makakatanggap rin siya ng iba’t ibang parangal tulad ng Army Professional Courses Plaque, Aguinaldo Saber, Philippine Army Saber, Department of Tactical Officers Plaque at marami pang iba sa magaganap na seremonya ng pagtatapos sa Mayo 21, 2023.
Lubos ang kanyang pasasalamat sa mga taong naging tulay at tumulong sa kanyang paglalakbay para maabot ang mga pangarap na kanyang inaasam. via Aaron John Baluis