17 anyos na lalaki, patay sa pananaksak sa Sorsogon

Patay na ng mamataan ng mga otoridad ang isang 17 anyos na lalaki sa isang palayan sa Purok 7, Barangay Barayong, West District, Sorsogon City bandang alas 8:20 ng umaga ngayong Martes, Mayo 2, 2023.

Ayon sa kapatid ng biktima, pumunta umano ang kaniyang kapatid sa kalapit-barangay nila upang makipagsayawan hanggang sa nito ngang Martes ay nakita na lamang ng isang residente ang katawan nito na tadtad ng saksak sa palayan sa Brgy. Barayong.

Sa tulong naman ng mga testigo at imbestigasyon ng mga otoridad ay agad namang natukoy ang mga suspek at kasalukuyan nang pinaghahanap ang mga ito. I Joey Galicio, Ralph Kevin Balaguer

Photo: Chistinejane Bosquillos

Share