38 anyos na buntis, biktima ng pananaksak sa Bulan, Sorsogon; DOA dahil sa 22 tama

Idineklarang dead on arrival ang isang 38-taong gulang na babae sa Bulan, Sorsogon matapos pagsasaksakin ng kaniyang ka-baranggay nitong Biyernes, Abril 21, sa Purok 7 sa Zone 7, Bulan, Sorsogon.

Ayon kay PCPT Rudy Divinagracia, DCOP ng Bulan MPS, bago pa mangyari ang pananaksak ay may nakaraang alitan na ang biktima at suspek. Nitong Biyernes, patungo umano ang biktima sa isang tindahan sa kanilang lugar kasama ang kaniyang labing-isang (11) taong gulang na anak nang abangan ito ng suspek at pagsasaksakin gamit ang kutsilyo. Nagtamo ng dalawampu’t-dalawang (22) tama ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito.

Sinubukang dalhin sana ang biktima sa ospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay. Agad namang naaresto ang biktima bandang alas dyes ng gabi sa parehong araw.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng Bulan Municipal Police Station ang suspek. | via Joey Galicio, Ralph Kevin Balaguer

Share