Taekwondo prodigy, nasungkit ang kampeyonato sa ASEAN Taekwondo

Sa ikalawang subok ay nasungkit ng Albayanong Teakwondoin na si Clarence Sarza ang gintong medalya sa 16th ASEAN Taekwondo Championships sa kategoryang Under 46kg Senior Women Fin weight na ginanap sa Ayala Malls, Manila Bay, ParaƱaque City nitong Marso 10-12, 2023.

Ang 23-taong gulang na atleta ay mula sa Legazpi City, Albay at tubong Arimbay. Ito ang pangalawang subok ni Clarence sa Taekwondo Championships matapos ang silver-medal finish noong Abril 2022 sa 15th Championships.

Ayon sa kaniya, malaki ang adjustments na ginawa niya upang makamit ang tagumpay, “Madami lalo na sa training, got my injuries pa sa tuhod kaya mas naiba yung training routine kasi need siya ma-rehab. And during fight naman lagi ako nag-aadjust sa 1st round sobrang stiff ng katawan ko kaya umaabot ng 3 rounds lahat ng match ko po”, panayam ni Clarence sa Bicol.PH.

Matapos ang torneyo ay klaradong sinaad ni Sarza ang kanyang karanasan sa patimpalak, “It was nice, full of emotions yung kaba, frustrations, excitement, tuwa and madaming learnings uli”

Taos-pusong pasasalamat naman ang ipinabatid ng atleta sa mga kamag-aral, pamilya, coaches at sponsors na tumulong sa kaniya upang maitanghal na kampeyon.

“Thank you for believing in me and for supporting me throughout the trainings and game, I really appreciate it!”, saad ni Sarza sa isang Facebook post.

Bilang kampeyon, nais ipaalam ni Clarence kung ano nga ba ang sekreto sa palakasang Taekwondo, “Taekwondo is not just a sport, aside from learning self defense it will also hone your personality. More on character siya eh, it builds your discipline, discipline sa lahat ng habits mo especially sa food na itatake mo since you need to maintain your weight category. Taekwondo will test your patience and eagerness din sa ginagawa mo. Fighting spirit, confidence lahat din yan kaya mo ma gain by playing Taekwondo”, ayon sa kaniya. I Ralph Kevin Balaguer

IMG 7548
IMG 7550

Photos: Clarence Sarza

Share