Isinakatuparan ang pagbabalik ng MTB Race matapos ang 19-taon na una itong isinagawa sa Camarines Sur. Idinaos ang DeMOLAY Adventure X sa Carolina, Naga City nitong ika-18 ng Marso, 2023.
Ang DeMOLAY Adventure X ay isang multi-terrain mountain bike race na pinangungunahan ng Bicol DeMolay Alumni Chapter No. 26, isang local alumni chapter group ng DeMolay International.
Nagsimula ang karera alas 6:30 ng umaga at binaybay ng mga lumahok na siklista ang two loop 25-kilometer race map na may mga daang maputik at mabato.
Ayon kay Tristan Velarde, Bicol DeMolay alumni at isa sa mga event organizer, naging matagumpay ang nasabing karera, “No one got hurt. There were a few tumbles along the muddy trail, Pero nothing serious”, saad ni Tristan Velarde
Binubuo ang DML Race ng apat na kategorya at may kanya-kanyang itinanghal na panalo matapos ang karera: sa 15-19 years old category ay iginawad sa 1st Place – Dadin Felices, 2nd Place – Jave Panton, at 3rd Place – Jay Joben Raña.
Sa 30-39 category ay nasungkit nina Melchor Abejuro (1st Place), Bryant Sepnio (2nd Place), at Christopher Felices (3rd Place).
Wagi naman sa 40 above category sina Billy Biag (1st Place), Sotto Sergio (2nd Place) at Rommel Vargas (3rd Place).
Sa All-womens category ay pinarangalan naman sina Anne Nuñez bilang 1st place, Angela Ayo sa 2nd Place at Chariz Nuñez sa 3rd place.
Ginawad din ang overall champion kina Billy Biag (1st Place), Dadin Felices (2nd Place) at Jave Panton (3rd Place).
Layunin ng DeMolay Race ang pagkakaroon ng ligtas na mga city road para sa mga siklista. Ayon kay Velarde, “See you next year for more Adventure X!”. I Ralph Kevin Balaguer
Photos: DML Adventure X