SORSOGON CITY – Inanunsyo na sa publiko nitong Lunes, Marso 7, ng Public Employment Service Office (PESO) ng bayan ng Irosin, na tumatanggap na sila ng mga estudyanteng aplikante sa programang Special Program for Employment of Students (SPES), gayundin ang mga local PESO sa buong lalawigan ng Sorsogon.
Ang programang ito ay handog ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga estudyante sa kolehiyo.
Ayon kay Jillian Exconde, dating SPES beneficiary mula sa Sto. Domingo, Irosin, malaking tulong ito sa kaniya.
“Last year po nagamit ko ang perang nakuha ko sa SPES sa pagpapaayos ng aming bahay, na-deploy po kami sa Irosin Municipal Nursery kung saan gardening ang ginawa namin,” ani Exconde sa isang panayam sa Bicol.PH.
Ang mga kadalasang trabaho ay depende sa kung anong kurso ang tinatahak ng estudyante — maaaring information technology-related, research, at kadalasang ay gardening.
Para makapasok sa nasabing programa, nararapat lamang na nag-aaral ka sa kolehiyo (1st to 3rd year college student) na may edad na 18 hanggang 29 taong gulang; enrolled ngayong pang-akademikong taon; ang kita ng magulang ay mas mababa sa poverty threshold; maganda ang school academic records; at hindi benepisyaryo ng ibang scholarship.
Para sa mga taga-Irosin, tumungo lamang sa opisina ng PESO para kumuha ng SPES registration form hanggang April 14, 2023. | via Ralph Kevin Balaguer
Photos: PESO Irosin