81k halaga ng shabu, nasamsam sa Cam Norte; suspek arestado

Irosin, Sorsogon – Nasamsam ng mga awtoridad ang P81, 600 halaga ng pinaghihinalaang shabu sa Brgy. Parang, Jose Panganiban, Camarines Norte sa bisa ng search warrant bandang ala-una kahapon, Marso 5.

Samantala, arestado naman ang suspek na si alyas “Totoy”, 38 anyos, sa kaniyang tinitirhan mismo sa nasabing barangay.

Narekober sa posesyon ng suspek ang 12 gramos ng pinaghihinalaang shabu na aabot sa naturang halaga ang kabuuan.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Jose Panganiban Municipal Police Station (MPS) ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensiya.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Act of 2002. | via Nicole Frilles

Share