Nailigtas ang isang endangered green sea turtle sa dalampasigan ng Sitio Tambac, Maonon sa siyudad ng Ligao noong Pebrero 15 sa pangunguna ng Community Environment and Natural Office (CENRO) ng Guinobatan.
Ayon sa ulat nina Jerome Tuazon at Joseph Dayawon, mga tauhan ng isang beach resort sa nasabing lugar, natagpuan ang marine turtle na nakasabit sa isang fishing net.
Agad namang ipinagbigay-alam ang sitwasyon sa mga otoridad.
Sa pagsusuri ng CENRO Ticao-Burias Pass Protected Seascape (TBPPS), ang nakuhang pagong ay may habang 51 cm at lapad na 47 cm at nasa mabuting kondisyon.
Samantala, umapila naman sa publiko ang CENRO na ipagbigay-alam agad sa otoridad ang ganitong insidente at iwasan ang pagtapon ng basura sa karagatan dahil nakasisira ito sa marine biodiversity. | Nicole Frilles
Photos: DENR Bicol